Huwebes, Oktubre 20, 2011
TRENDING NEWS#: 19 Mga magnanakaw may bagong modus sa ATM
Kulungan ang bagsak ni Joan Encabo matapos mabisto ang kanyang modus operandi ng pagnanakaw gamit ang mismong ATM card ng kanyang mga biktima.
Tatlo sa mga ito ang dumulog sa QCPD Station 7 nang malamang nahuli na si Encabo.
Kung susumahin, aabot sa P2 milyon ang natangay sa kanila.
Ayon sa isa sa kanyang biktima, istilo nito ang sundan ka sa ATM, at pag-alis mo sasabihin na may naiwan kang pera sa makina.
Paglalahad ng biktimang si Erika, "Sabi niya sa akin, ‘Ma’am may naiwan kayo.’ Pinakita niya sa akin ‘yung P1,000 bill."
Sa puntong iyon, yayayain ka niya pabalik sa ATM at sasabihing dapat ka mag-balance inquiry para makasiguro.
"Doon niya nakita ‘yung PIN number ko."
Paglabas ng ATM card mo, uunahan ka niya sa paghugot ng card para ibalik sa iyo, pero ang hindi mo alam, napalitan na ang iyong card.
"Hindi ko na alam kung paano niya pinagpalit ‘yung card na nasa kanya."
Nalimas ang mahigit P200,000 ni Erika dahil ilang araw na ang nakalipas bago niya nalaman na napalitan ang ATM card niya.
Ayon naman sa mga awtoridad, maaaring hindi nag-iisa si Encabo sa ganitong modus operandi.
Paliwanag ni SPO2 Rolando Cartalla, "Sindikato ‘to. Baka marami siyang pinagkukunan ng ATM [cards] na ‘to.”
Dahil malapit na ang Pasko, payo ng mga awtoridad na maging listo tuwing magwi-withdraw at huwag basta magtiwala sa mga taong gusto tayong tulungan dahil baka dalhin lang tayo sa kapahamakan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento