Huwebes, Oktubre 20, 2011
TRENDING NEWS#: 17 19 patay sa bakbakan sa Basilan
Mula kahapon, sunud-sunod ang pagdating ng mga sugatang sundalo sa Zamboanga City mula Al-Barka, Basilan.
Sa Western Mindanao Command, hindi magkamayaw ang mga medics at sundalo para tulungan ang mga sugatan.
Dumating din ang ilang nasawi.
Nagkabakbakan ang militar at diumano'y MILF sa Al-Barka, Basilan Martes ng madaling araw.
Nagpapatrol diumano ang mga sundalo sa Barangay Bakisung para tugisin ang armadong grupong sangkot sa ilang kidnapping pero bigla na lang silang pinaulanan ng bala sa area.
Sa pinakahuling tala ng militar, umabot na sa 19 ang patay at 12 ang sugatan.
Ayon sa militar, mahirap tukuyin ang bilang ng mga kalaban.
“The encounter took several hours. You cannot discount the possibility that the relatives, pinsan, apo or kapitbahay, will join the firefight,” sabi ni Lieutenant Colonel Randy Cabangbang.
Kinumpirma rin ito ng grupong NGO Bantay Basilan.
“Nakapunta sila sa isang defensive ground ng mga armed groups na sinasabi nila allegedly ay composed of ASG and MILF,” sabi ni Munib Kahal ng Bantay Basilan.
Aminado ang militar na kampo ng pinagsanib na puwersang MILF at Abu Sayyaf ang kanilang napasok.
Pinangangambahan ding may mga binihag na sundalo sa lugar.
“We have received reports that allegedly our soldiers are being held hostage within the area of temporary stay ng MILF sa Al-Barka,” sabi ni Cabangbang.
Isang Dan Laksaw Asnawi, commander ng MILF 114th base command sa Basilan, ang itinuturong lider ng grupong umatake sa mga sundalo.
Pumuga si Asnawi sa kulungan sa Basilan noong 2009 at sangkot diumano sa pamumugot ng mga sundalong marino noong 2007.
Binisita ni Philippine Army Commander Lieutenant General Arturo Ortiz ang mga sugatan pero tumanggi itong magbigay ng pahayag sa nangyari. Jewel Reyes, Patrol ng Pilipino sa Zamboanga
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento