Huwebes, Oktubre 20, 2011
TRENDING NEWS#: 18 Kuryenteng prepaid, iaalok ng Meralco sa publiko
Gumagana ito na parang cell phone load. Ililimita ang suplay ng kuryente depende sa biniling load.
Si Eleanor, sinubukan ang load na P200.
Pagbabahagi niya, "Siyempre titipirin mo. ‘Yon lang ang load mo.”
Isa lang ang kumpanyang XESI sa mga nag-apply na sa Energy Regulatory Commission para mag-supply ng metro.
"Ang prepaid kuryente is puwede ring maging available sa mga sari-sari stores o sa mga branches ng electric cooperatives,” paliwanag ni Roland Arrogante ng XESI.
Sa sistema ng XESI, may matatanggap na warning ang consumer kapag kaunti o paubos na ang load nito.
Para ma-reload, bibili lang siya ng load para tuluy-tuloy ang suplay ng kuryente.
Sabi naman ni Frank Dianko ng XESI, “Mas madali na nilang mama-manage ‘yung kanilang mga kuryente sa paisa-isandaang tingi-tingi.”
Sa Metro Manila at mga karatig-probinsya, malapit-lapit ring subukan ang prepaid electricity.
Tinatapos lang ang pag-aaral sa tamang teknolohiya at sistema, pero batay sa survey ng Meralco, karamihan sa mga customer ay gustong subukan ang prepaid na kuryente.
Target ng Meralco na subukan ang prepaid sa susunod na taon.
Giit ni Al Panlilio ng Meralco, “We are always after what is best for the customers, and we think there is clamor for prepaid, and we are reviewing that.”
Ang good news, 'di pababayaran sa customer ang metrong pang-prepaid.
Kapag nagdesisyon ang customer na mag-prepaid, may "lock-in period" na dalawang taon na hindi siya puwedeng bumalik sa tradisyunal na sistema. Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento