Linggo, Oktubre 16, 2011

trending issue#: 14 Bea Alonzo, inaming 6 buwan na silang magkarelasyon ni Zanjoe


Matapos ang mga pag-iwas, umamin na rin si Bea Alonzo sa tunay na estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo.
Ayon sa aktres, anim na buwan na ang relasyon nila ni Zanjoe.
Napag-alaman na ilang buwan nang laman ng mga usap-usapan sa sulok ng showbiz ang relasyon nina Bea at Zanjoe ngunit hindi direktang umamin kung mag-on na nga sila.
Nitong nakaraang birthday celebration ng aktres inihayag ni Zanjoe na si Bea na ang babaeng gusto niyang "ibahay."
Sa ngayon ay excited ang dalawa sa nalalapit nilang Korean vacation.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento