Lunes, Oktubre 17, 2011

Trending news#: 15 Mariel Rodriguez, kumportable agad sa sa show ni Willie Revillame!


VERY WARM ANG ginawang pag-welcome kay Mariel Rodriguez bilang karag-dagang co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime last Saturday. Naging surprise call in pa si Robin Padilla na hindi inaasahan ni Mariel na pupunta roon para sa kanya.
It’s been several weeks na talagang nahirapan daw si Mariel before coming up with her final decision na lumipat sa TV5.  Maraming nangyaring pag-uusap daw sa pagitan ng actress-TV host at ng mga executives ng ABS-CBN.
May desisyon nang aalis, tapos mapipigilan. Magdi-decide ulit na aalis pero magbabago na naman ang isip kapag nakausap na ng mga big boss ng Kapamilya Network.
Ito raw nga umano ang dahilan kung bakit sa panahong napapabalitang nagbabalak na siyang lumipat o lilipat na, hindi naringgan ng kumpirmasyon o kahit anumang pahayag hinggil dito si Mariel.
Kasi nga, everday ay nagpapabagu-bago pa at hindi pa firm sa kanyang desisyon. Hanggang finally, nabuo na nga ang kanyang pasya na iwan ang Happy Yipee Yehey! at maging isa sa co hosts ng Wil Time Bigtime.
Paglilinaw naman ni Willie, hindi nila kinumbinsi si Mariel na lumipat. Hinayaan umano nila ang actress-TV host na pakinggan kung ano ang idinidikta ng puso at isipan niya at kung saan siya magiging masaya.
At kita naman kay Mariel na happy nga siya sa kanyang pagpasok sa Wil Time Bigtime. Kaagad-agad, kumportable kaagad sa tabi nina Shalani Soledad at iba pang co-hosts ng show.
With Willie, given nang at ease na siya dahil sa tagal na rin ng kanilang pinagsamahan. Parang Kuya na nga ang turing niya rito.
And with that, naniniwala ka-ming Mariel just did the right decision, kung saan magiging masaya siya at hindi niya pagsisisihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento