Miyerkules, Oktubre 12, 2011
trending issue#: 7 Azkals panalo laban sa Nepal
Mabilis ang mga Nepalese pero lalong ganado mag-score ang Azkals.
Tatlong beses muntik maka-score ang Azkals.
Dalawang attempt mula kay Ian Araneta, isa mula kay Chiefy Caligdong.
Sa wakas nakalusot si Phil Younghusband, right kick pasok sa goal at 1-0 para sa mga Pinoy.
Agad sinundan ito ng kapatid niyang si James.
Malayo sa goal pero malakas ang sipa. Goal number 2 ito para sa Pilipinas.
Kasama sa nag-enjoy ng game sina Jinkee Pacquiao at kambal na si Janet.
Sa second half, goal number 3, galing muli kay Phil.
Hindi pa ito ang huli.
Nakalusot pa ang isa mula kay Matthew Hartmann kaya't 4-0 ang final score ng tagumpay ng Pilipinas sa Nepal.
“I’m very happy. It’s my first time to watch. Congratulations sa lahat,” sabi ni Jinkee.
Sina James at Phil Younghusband inialay ang mga goal sa yumaong nanay na isang buwan na mula nang yumao.
“If you saw it, I gave a kiss to the sky for our mom. I know she’s looking down at us and very proud of what we have accomplished with this fantastic team,” pahayag ni James.
“Mayroon kaming free chances sa start ng game, sayang, pero masaya kami dahil nanalo kami,” sabi naman ni Phil.
Masaya ang Azkals na tinapos nila ang taon sa matunog na tagumpay.
“It’s a big achievement,” sabi ni Rob Gier.
Dahil sa panalo, inaasahang mag-i-improve ang Fifa world ranking ng Pilipinas.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento