Martes, Oktubre 11, 2011

trending issue#: 4 Willing Willie Girls, binoykot ang show ni Willie Revillame?!


‘BAKIT WALA ANG WW Girls sa opening ng Willing Willie?’ text ng isang kaibigan last Wednesday. Si Anna Feliciano lang daw ang nagsasayaw. Bakit nga wala ang mga nagseseksihang WW Girls?
Mula sa isang source, ‘nagpoprotesta’ raw ang grupo dahil sa kagustuhan ni Willie Revillame na idagdag sa kanila ang dalawang dancers na naging contestant sa Willing Willie. Pero ayaw raw ng WWG. Marami na raw sila, kaya bakit kailangan pang madagdagan?
Parang ‘nega’ ang dahilan ng grupo. Taliwas sa bentahe ni Willie na nagbibigay ng pag-asa sa mga gustong umangat sa buhay. Alam naman ng mga tagahanga ni Willie kung gaano ka-spoiled ang lahat ng involved sa Willing Willie, lalo na nga itong WWG. ‘Di ba, ang TV host pa ang nagbayad ng downpayments sa mga kotse nila? At kapag nagpupunta ng Boracay si Willie, kasama rin sila sa yate ng TV host.
Kung ang WWG ay nabigyan ng panibagong buhay at trabaho sa Willing Willie, dapat na i-share din nila ang good karma na dumapo sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento